Sunday, January 20, 2008

Bezfren..

Isang araw siya’y aking nakita
Ako sa kanya’y namangha
Gusto kong lapitan sana
Ngunit nanaig sa ki’y hiya

Araw- araw nga na siya’y aking nakikita
Sa daan man o sa paaralan
Patuloy kong siya’y hinahangaan
At patuloy pa rin ang aking hiya

Dumating ang isang pagkakataon
Kami ay nagkasama
Sa isang institusyong pangkinabukasan
Doon siya’y aking nakausap.

Sa una’y salita namin ay tila nahiya
Ngunit sa paglaon ng oras
Usapa’y naing malawak
Doon kami’y unang nagkakilanlan

Natapos ang aming pag-aaral
Patuloy kami naguusap
Sa text man o sa YM
Pagkakakilala nami’y lalong tumatatag

Di naglaon kami naging matalik na magkaibigan
At doon nagsimula ang isang matibay na pagsasamahan
Nangako sa isa’t isa na ito’y hanggang wagas
At tunay na amin ngang pahahalagahan.

Lumipas ang taon 2007
Siya’y andito pa di sa aking tabi,
Handang sumuporta at umalalay
Sa hirap at ginhawa.

Nais kong ipanambit
Ang isang pasasalamat
Pasasalamat na galling sa akin puso.
Maraming salamat bezfren.

No comments: