Friday, October 31, 2008

2nd Semester AY 2008-2009

Hey guys! Here is my class schedule for the second semester.

Student Name: Martinez, Marc Angelo P.
Course: BS Civil Engineering

Monday and Wednesday*
8:00-10:00 MAT 182 (Analytic Geometry and Solid Mensuration)
11:30-1:00 PHY 181 (Engineering Physics 1)
1:00-2:00 FIL 1 (Sining ng Pakikipatalastasan)
*3:00-5:00 PE 2 (Rhythmic Activities)

Tuedsay* and Friday
7:00-8:00 MAT 181 (Advance Algebra)
8:30-10:00 ENG 1 (Basic Communication Skills)
10:00-1:00 PHY 181 L (Engineering Physics 1 Lab)
1:00-4:00 CE 181 (CE Technology 1- Carpentry NC II)
*4:00-7:00 ES 181 L (Computer Fundamentals Lab)

Thursday
1:00-3:00 ES 181 (Computer Fundamentals)

Saturday
8:00-11:00 NSTP 2 (ROTC 2)

Thursday, October 23, 2008

Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos

Marahang-marahang
Manaog ka, Irog at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat
Di na kailangang
Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
Ang daliring garing
Sa sakong na waro’y kinuyom na rosas!

Manunulay kata
Habang maaga pa, sa isan pilapil
Na nalalatagab
Ng damong may luha ng mga bituin;
Patiyad na tayo
Ay maghahabulang simbilis na hangin,
Ngunit walang ingay,
Hanggang sumapit sa tiping buhangin.

Pagdating sa tubig,
Mapapaurong kang parang nangingimi,
Gaganyakin kata
Sa nangaroong mga lamang – kati;
Doon ay may tahong
Talaba’t halaang kabigha-bighani,
Hindi kaya natin
Mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdarapit-hapon
Kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
Ugatan ang paa
At sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon;
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso,
Ay naaagnas ding marahang-marahan.

Resulta. Marka!!!

Nota: Bago ang lahat, pinapasalamatan ko si Gezelle Balceda at Janelle Sembrano dahil sila ang tumingin ng grades ko sa kompyuter! Salamat ng marami!


…Mula sa mga dugo’t pawis na inilaan para sa pagaaral, sa wakas ay nalaman ko na din ang hinihintay na resulta ng pagkatuto sa uan semestre. Inialabas na ang mga grado sa paaralan.

Ayon sa mga datos na nakita nila Gezelle at Janelle, ako ay…....... PASADO.

Wiii.. Yipee.. Ang saya! Regular pa din akong studyante sa ikalawang semestre.

Hehe.. kung tatanungin niyo ang marka, mediyo nakakahiya dahil may dalawa akong 3.00. Ngunit ito ay di ko gagawin hadlang bagkus ay gagawin ko pa itong paraan upang mas lalo ko pang mapagbuti ang mga susunod kong assigantura na kahalintulad nang mga ito.

Ayun. Maraming Salamat sa Panginoon! Sa kanya lahat ng kapurihan!

Pati din sa mga kaibigan at mahal sa buhay na walang sawang sumusuporta! Pati na rin ang mga pinagkukunan ko ng inspirasyon, mga idol ko! ( magulang, Mikee Lee at Robi Domingo) Salamat!!!

Nais ko rin pala na batiin ang mga kaklase ko sa block e-3! Congrats! Kita-kita na lang tayo sa enrollment!

So… Goodluck sa akin sa 2nd sem! Kaya yan. ONE BIG FIGHT :D

Wednesday, October 22, 2008

Bukas Na!!!

waaahhh oras na lang ang hinihintay at malalahad na ang mahahalagang numero na magiging replika ng pagkatuto ko sa unibersidad sa nakaraang semestre. Kinakabahan na ako! Sana magin maganda ang resulta nito. Si gezelle ang titingin sa grade ko sa kompyuter sa loob ng unibersidad sapagkat mahal ang pamasahe.

Waahh... goodluck talaga sa akin. E3 One BIG FIGHT!

Thursday, October 16, 2008

zhan zhan na



Weei... kamusta naman ang asong ito? haha... parang emo. Ito nga pala ang aso ng aming pamilya, siya si Zhanella Angelou (pomeranian). Kinunan ko ito noong kami ay nakalibre nang sakay sa isang air-conditioned bus. Isang milestone ito sa kanyang talambuhay sapagkat ito ang unang beses na siya ay nakasay sa isang pampublikong sasakyan, madalas kasi namin siyang kasama sa aming sasakyan wueh. Hehehe.. pagmasdan mo na lang siya at tiyak na ika'y matutuwa! "zhan zhan na..!"

Monday, October 13, 2008

Kahanga-hanga

Dahil ako ay dating isang miyembro ng choir noong ako ay nasa hayskul pa, ay di ko maiwasan na tumingin sa youtube ng mga videos na may kinalaman sa bagay na ito. Aking nakita ang ilan at masasabi kong ito'y kakaiba, bakit?

sapagkat ang mga video na inyong matutunghayan ay galing pa sa iba't ibang bansa at nakakatuwang isipin na kinilala nila ng ang ating musika.

tulad nito, ang unang bahagi nang video ay pagtatanhal ng Hyunil Choir ng South Korea ng kantang ROSAS PANDAN. Ang piyesa na kanilang kinanta ay isa din sa mga paborito ko. Kinanta namin ang piyesan ito noong ako ay nasa ikatlong taon sa hayskul. Tunghayan ninyo ito...



Heto pa, isang Indonesian Choir ang kumanta ng kantang IKAW LAMANG. Heto ang kanilang video...



di ba kay gandang pakinggan? Nakatutuwa lamang na isipin na talagang ang kultura at musika naten ay kinikilala ng malaki ng iba't ibang bansa. Galing talaga ng Pinoy!

Friday, October 10, 2008

Iyo Kailan Pa Man



My mind recalls of this song that was one of my favorite during my high school choir days. 'twas originally sung by the Philippine Madrigal Singers. In This video you'll see the interpretation of the CHORUS PAULINUS

Enjoy listening and here is the lyric of the piece:


Kailan ko muling makakamtan, Tunay mong pag-ibig?

Sa alaala ko'y nagbabalik ang araw ng ating pa-ibig
Buhay nati'y panaginip sa gilid ng munting batis.

Ang mga labi mong sakdal tamis ay may pangako hanggang langit
Mamahalin ko laging ikaw sa ginhawa't hapis.

Ngunit nagdaan ang araw, sumpa mo'y nalimot
Naghihintay sa kalungkutan ang puso ko irog.

Nahan ang tanging pagmamahal bakit dagling natapos
Kailan ko muling makakamtan, tunay mong pag-ibig?

doohh... O aking hirang bakit ako'y iniwan
Naghihintay ang puso sa iyong pagmahahal

Ang buhay kong namamanglaw ay nais nang pumanaw
Kung hindi ka kaulayaw langit ko'y walang tanglaw

Kung babalik ka hirang at ako'y lalapitan
Pusong iyo nang minsan ay iyo kailan pa man.

O aking hirang
Ang buhay kong namamanglaw ay nais nang pumanaw
Kung hindi ka kaulayaw langit ko'y walang tanglaw

Kung babalik ka hirang at ako'y lalapitan
Pusong iyo nang minsan ay iyo kailan pa man.

Ang pagsintang dalisay, ay di mamamatay.


* isn't it a meaningful and lovely song? I would like to sing this song again with the batch i had been during my junior high years. Waaahhh

Wednesday, October 8, 2008

'Twas a year ago

'twas year ago when this scenery was situated at the annex of my Highschool campus. It's a speech choir contest and the piece was pertaining to our province, Bataan. I was one of the participants in this event. I'm just recalling the speech. Here it goes:



Bataan has fallen. The Philippine-American troops on this war-ravaged and bloodstained peninsula have laid down their arms. With heads bloody but unbowed, they have yielded to the superior force and numbers of the enemy.

The world will long remember the epic struggle that Filipino and American soldiers put up in the jungle fastness and along the rugged coast of Bataan. They have stood up uncomplaining under the constant and grueling fire of the enemy for more that three months. Besieged on land and blockaded by sea, cut off from all sources of help in the Philippines and in America, the intrepid fighters have done all that human endurance could bear.

For what sustained them through all these months of incessant battle was a force that was more than merely physical. It was the force of an unconquerable faith–something in the heart and soul that physical hardship and adversity could not destroy! It was the thought of native land and all that it holds most dear, the thought of freedom and dignity and pride in these most priceless of all our human prerogatives.

The adversary, in the pride of his power and triumph, will credit our troops with nothing less than the courage and fortitude that his own troops have shown in battle. Our men have fought a brave and bitterly contested struggle. All the world will testify to the most superhuman endurance with which they stood up until the last in the face of overwhelming odds.

But the decision had to come. Men fighting under the banner of unshakable faith are made of something more that flesh, but they are not made of impervious steel. The flesh must yield at last, endurance melts away, and the end of the battle must come.

Bataan has fallen, but the spirit that made it stand–a beacon to all the liberty-loving peoples of the world–cannot fall!


Bataan Has Fallen... Bataan Has Fallen by Salvador P. Lopez.

* our school bragged the first place in the province. 'twas one of those unforgettable memories of High School.

SEMBREAK

Tapos na ang Final Exams!!.

Wala na ang maduguang pag-rerebyu at pagsasaulo ng iba't-ibang bahagi ng mga assignaturang aking kinuha para sa unang semestre nang akademikong taon.

Laking pasasalamat ko sa Panginoon at natapos na rin ang maituturing na isa sa mga kalbaryo ng isang kolehiyolo.

Sembreak na nga, ito ang panahon para pansamantalang mapahinga, magsaya sa kabila ng kabadong damdamin at kalimutan muna ang paaralan. Ayan ang karaniwang deskripsyon ng panahon na ito. Panahon para sa ganang sarili.. Panahon upang muling balikan ang mga bagay at lugar na matagal ko nang di nagagawa 't nakikita.

Tunay nga, singkad nang ako'y umuwi ako sa aming bahay ay nalasap kong muli ang sariwang kapaligiran, ang pagkaing probinsya na di matumbasan sa Maynila, ang mga gawain na hindi ko nagagawa sa DORMITORYO at kaligayahan na tanging PAMILYA ang makapabibigay. Ang mga eksena tulad noong ako ay nasa hayskul pa.

Masaya nga di ba? Ngunit kung titignan sa kabilang angulo, hindi ko maitatatwa ang pagkalumbay sa mga kaklase ko sa BLOCK E3(ang seksyon ko sa kolehiyo). Hindi mo na kasi nakikita ang mga pangkaraniwang eksena tuwing may klase. Ang makita ang mga puyat nilang mukha tuwing alas-syite ng umaga, ang grandiyosong pagpasok ng mga studyanteng huli laging gumising (Manarin,Bartolo,Aity atbp.), ang mga barahang walang katulad(Araullo at NiƱa), ang mga kadugong trivia ni Janelle at mga kalokohan tulad ng toss coin (DOTA BOYS) para malaman kung papasok o hindi.

Wala na ang mga eksenang iyon. Naparam na ang mga iyon.

Nakakamiss talaga! waaah... Mapapatawa ako tuwing naaalala ko ang mga bagay na ito. Hayaan niyo at magkikita pa rin naman tayo sa unibersidad naten sa ikalawang semestre. di ba? Ang kaibahan nga lamang ay iyong iba ay lilipat na sa ibang kolehiyo para sa ibang kurso (CBEA ba or CAS?) , hindi na sa kolehiyo ng pagka-inhinyero at teknolohiya.

Ang iba naman, tuluyan nang mawawala sa kadahilanang sila ay magtratransfer na sa ibang unibersidad. Tulad ni JM na lilipat na sa TIP para kumuha ng Architecture, at si Philippe na pinili na sa probinsya na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan. Hai. Bawas na nga talaga.

Mabuti na tignan na lamang ito sa positibong banda. Magkikita pa naman tayong lahat pagdating ng takdang panahon. hehe. Enjoy na lang muna tayong lahat sa sembreak!

sabi nga ni Asalhayop sa kahapon,ngayon, bukas "...Magsayawan, limutin ang kalumbayan!". Sembreak na kaya dapat muna tayong magsaya ahh!

Goodluck and Godbless sa ating lahat! ONE BIG FIGHT e3!

Sunday, October 5, 2008

Hours before FINALS

di ako makapagreview nang maayos!
parang kusa na pumapasok at naalala ko na lang bigla ang mga lesson namen sa math 171- college algebra at chm 171- general chemistry...
sana lang ay makasagot ako ng marami bukas...

wooShh.... partial fractions and interpulation, medyo may prob ako sa accuracy sa interpulation and i don't know why... kailangan ko pa ring magreview mamaya. kaya yan!

isa pa, ung chemistry ko. Waahh... marami atang redox equations and stoichiometry! nakakabaliw just for one point! waahh...

humihingi nga pala ako ng pasensya sa mga mambabasa na mediyo nakokornihan at naboboringan sa mga posts ko. Hayaan niyo makakabawi rin ako! promise!

well, that's all i guess. Kailangan pang magreview mamaya.

ONE BIG FIGHT!

Friday, October 3, 2008

Panimula ng Oktubre

october na... waaAAahhh....

whheeew... parang kailan lang ang hunyo, naganap ang isa sa mahalagang yugto sa aking buhay, ang unang yugto ng buhay "freshmen" sa kolehiyo. Ngayon ito ay natuldukan na. Tapos na kasi ang Unang Semestre ng pag-aaral para sa akademikong taon 2008-2009.

tapos na ang mga lekturang di ko sukat akalain na ito'y akin nang nakalimutan,gayon din ang mga sagot sa mathematical at chemical equations na hindi tugma sa tamang sagot. Hindi ko na rin makikita ng regular ang mga gurong sa una ay sinindak ka sa kagalingan nilang magturo at napakasigasig sa pagpapayo sa iba't-ibang kwento ng buhay.

Hai... Nakalulungkot lamang isipin na ang lahat nang ito ay tapos na. Hindi na magagawa ng regular.

Tapos na nga itong lahat, tapos na ang bahagi ng mga propesor at propesora sa pagtuturo ng kanilang mga assignatura at tangi na lamang na hinihintay ay magiging resulta ng isinagawang pagsisikap sa pag-aaral. Malapit na ang Final Exams namen.

Nangangamba ang bawat isa sa aming block sapagkat karamihan sa amin ay walang kasiguraduhan na makapapasa. Marahil nahhihirapan din ang iba na makasabay sa mga ANAK NI RIZAL sa room. Ang tangi na lamang na taglay namen ay ang pag-asa sa magagawa ng stock knowledge sa mga pagrerebyu at siyempre sa tulong ng Panginoon.

At para naman sa akin, sana ay makapagrebyu ako ng maayos sa dormitoryo at sana lang ay maging epektibo ang mga gagawin kong pamamaraan.

hai,, goodluck sa akin!

ONE BIG FIGHT for the Vrauder!