Wednesday, November 12, 2008

Thursday

Waahh... HUwebes na naman. Walang pasok sa umaga ngunit pagsapit ng ala-una ay mayroon na. Hehehe..

Nagtaka lamang ako, himala at nagising ako ng alas-siyete nang umaga gayong wala naman akong pasok sa umaga. Naghanap ako nang magagawa. At ilang sandali pa ay naisipan ko na ligpitin ang pagkagulo gulo kong mga gamit sa aking kama. Nagsabog ang mga libro na binabasa ko kagabi. Haha.. Kamusta naman yun? haha. At matapos kong maligpit ang mga gamit na iyon ay tumungo na ako sa tindahan upang bumili ng agahan.

Rutina tuwing huwebes: Agahan ay Cheeseburger at Cheese Sticks. Haha.. Wala na akong maisip na kainin kundi ang ganyong mga pagkain. Gumastos muli ng 25 pesos para doon.

Matapos noon ay kumain na ako habang nakikinig sa aking cellphone ( Nokia 5320 Xpress Music). Ang sarap balikan ng mga awiting malamang sa iba ay wirdo, ngunit nakakapagpasaya sa akin ng lubos. Nakinig ako ng ilan sa mga piling kanta ng Philippine Madrigal Singers, Rockapella at OST ng pelikulang PHANTOM OF THE OPERA.

Nakakamiss ang Phantom Of the Opera lalo na ang parte sa pelikula na kinanta ang mga kantang "Music of The Night" at "All I Ask Of You".

Ayon.. wala na naman akong masabi. Basta ang gusto ko umuwi na sa Bataan sa Sabadong paparating nang sa ganoon ay maikwento ko nang mas maayos ang mga susunnod na post.

Keepsafe and Godbless!

Galingan sa pag-aaral! ONE BIG FIGHT! :)

No comments: